Home NATIONWIDE Tropical Storm Dindo lumabas na ng PAR

Tropical Storm Dindo lumabas na ng PAR

161
0

MANILA, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Dindo nitong Lunes ng umaga, Agosto 19.

Sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA, ang bagyong Dindo ay huling namataan 670 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong northeastward at inaasahang kikilos patungong East China Sea at Yellow Sea patungong Korean Peninsula sa susunod na tatlong araw. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here