MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm na namataan sa silangan ng Northern Luzon nitong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, pumasok sa PAR bandang alas-7 ng umaga ang bagyo na may international name na “Surigae” at binigyan ng lokal na pangalang “Queenie.”
Ang Queenie ang ika-17 tropical cyclone na pumasok sa bansa ngayong taon.
Batay sa unang forecast ng PAGASA, taglay nito ang maximum sustained winds na 75 kilometro bawat oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 90 kph.
Maglalabas ang PAGASA ng unang tropical cyclone bulletin para sa Queenie alas-11 ng umaga nitong Huwebes. RNT/MDS