Home NATIONWIDE Truck caravan ikinasa, iba’t ibang hinaing ipinanawagan

Truck caravan ikinasa, iba’t ibang hinaing ipinanawagan

8
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang ilang miyembro ng samahan ng mga truck o Alliance of Concerned Truck Owners & Organizations (ACTOO) kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Kasabay nito ay nagsagawa ng truck caravan ang ACTOO sa bahagi ng Road 10 sa Maynila.

Bukod dito, hiling din nila na ibasura ang Joint Administrative Order (JAO) sa mga pantalan kung saan pasakit ito sa kanila lalo na’t dagdag gastos na maituturing kung magtatagal ang kanilang mga truck sa loob ng pantalan bunsod ng mabagal na proseso.

Hiniling din na tanggalin na ang demerits system ng Land Transportation Office (LTO) lalo na’t nababawan ang mga truck driver dahil nauubos na ang kanilang mga demerits point.

Ayon sa mga truck driver, hindi nila kasalanan kung mabibigat na kargamento ang laman dahil paglabas ng pier ay selyado na ang mga container van na kanilang dinadala.

Hiling din nila na ayusin din sana ang mga vertical clearance sa NLEX at SLEX lalo na’t ang driver ang kadalasan nananagot kung lagpas na sa itinakdang sukat ng kargamento ang kanilang dinadala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here