WASHINGTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump noong Linggo na agad na magsisimula ang US Navy ng blockade sa Strait of Hormuz matapos mabigo ang usapang pangkapayapaan ng US at Iran na layong tapusin ang digmaan at magpatuloy ang pansamantalang tigil-putukan.
Sa kanyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na haharangin ng US ang lahat ng barko na papasok o lalabas sa naturang mahalagang daluyan ng langis sa international waters.
“Effective immediately, the United States Navy, the Finest in the World, will begin the process of BLOCKADING any and all Ships trying to enter, or leave, the Strait of Hormuz,” ani Trump.
Dagdag pa niya, uutusan din ang US Navy na harangin ang mga barkong umano’y nagbabayad ng “toll” sa Iran, at sisimulan din ang pagwasak sa mga minang itinanim umano sa lugar.
“I have also instructed our Navy to seek and interdict every vessel in International Waters that has paid a toll to Iran. No one who pays an illegal toll will have safe passage on the high seas,” dagdag niya.
Nagbabala rin si Trump laban sa Iran, kasabay ng matinding tono ng banta sakaling umatake ito sa US o mga sibilyang barko.
“Any Iranian who fires at us, or at peaceful vessels, will be BLOWN TO HELL!” aniya.
Ayon sa US Vice President JD Vance, nabigo ang talks dahil hindi tinanggap ng Iran ang US conditions, kabilang ang pagtalikod sa nuclear ambitions nito.
Sa panig ng Iran, sinabi ni Parliamentary Speaker Mohammad Baqer Qalibaf na hindi nagtiwala ang US sa mga inaalok na solusyon ng Tehran.
Giit ng Iran, kabilang sa kanilang mga hiling ang kontrol sa Strait of Hormuz, war reparations, at pag-angat ng sanctions.
Patuloy pa rin ang tensyon sa Gitnang Silangan, habang nananatiling mahalagang daluyan ng langis ang Strait of Hormuz na dinadaanan ng humigit-kumulang 20% ng pandaigdigang supply ng enerhiya. RNT/MND