Home NATIONWIDE Trust, performance rating ni PBBM bumaba sa dahil sa fake news

Trust, performance rating ni PBBM bumaba sa dahil sa fake news

0
Trust, performance rating ni PBBM bumaba sa dahil sa fake news

MANILA, Philippines – ISINISISI ng Malakanyang sa malaganap na ‘fake news’ ang pagbaba ng trust at performance rating ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr.

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi naman sumasalamin ang 2,400 respondents sa survey na ginawa ng Pulse Asia sa kabuuang 100 milyong katao sa bansa.

“Nalaman po natin ang respondents dito ay 2,400. So, sa 2,400 hindi naman po ito nagre-reflect ng sentimyento ng kabuuang more than 100 million people or Filipinos in the country. Dahil nga nakita at nabanggit natin itong mga fake news, sumasalamin din po ito sa impluwensya ng mga fake news na nagkakalat,” ang sinabi ni Castro.

“So, kung ang mga tao man na ito ay nagbigay ng kanilang mga opinyon, marahil ay bunga ito ng mga fake news at kung ito man ay totoong nagkaroon ng pagsagot, hindi naman pabayaan ng gobyerno, dahil dapat nating malaman ang mga respondents, saan ang mga respondents. Ang mga respondents na mga ito ay nakakatanggap ng totoong news o naiimpluwensyahan ng fake news.So, ang mga respondents ba na mga ito ay hindi nakakarating ang tulong ng gobyerno. So, dapat din po nating malaman ito sa parte ng administrasyon. At kung anuman po ang nagiging desisyon ng Pangulo at ng administrasyon at ito ay nagrereflect sa isang survey, nanaisin pa rin po at ipapatupad pa rin ng Pangulo, kung ano ang nasa batas at kung ano ang tama at hindi kung ano po ang sasabihin sa isang survey,” ang pahayag ni Castro.

Sa kabila nito, inamin ni Castro na dapat lamang na bigyang pansin kung ano ang mga sinasabi ng survey kahit pa2,400 na respondents ay hindi kabuuan na sentimyento ng buong Pilipinas.

Giit pa ni Castro na magtatrabaho pa rin ang Pangulo at gaya aniya ng kanyang sinabi, gagawin ng Chief Executive kung ano ang tama, kung ano ang sa batas at hindi dahil ito ang idinidikta ng tao na hindi naman naaayon sa batas.

“That is the reason why, we have this directive from the President that we should surtail fake news. Since day one that we have been appointed.  We were tasked to do our job,  to spread  the truth and not fake news,” ang sinabi ni Castro.

“Totoo po  iyan, sinabi po natin before na ang fake news makakapagdiskaril ng isipan ng tao, ng taumbayan. Kaya nga po gumagawa ngayon ng aksyon, magkakaroon po ng pagpupulong ang Presidente, ang Pangulo sa mga heads of agencies especially DICT para po matugunan na po at mabawasan na po itong mga fake news na nagkakalat lalung-lalo na po ngayong campaign season,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, lumagpak ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nito lamang buwan ng Marso.

Taliwas naman ito sa nakitang pagbuti ng trust at performamce ratings ni Vice-President Sara Duterte.

Makikita sa resulta sa kamakailan lamang na survey ng Pulse Asia Research para sa kanilang March 2025 Ulat ng Bayan survey, bumaba ng 17% puntos ang approval rating ni Pangulong Marcos mula sa 42% noong Pebrero sa 25% nitong Marso.

Ang kanyang disapproval rating ay umakyat naman ng 21 puntos o 53%.

Sinasabing, mayorya ng mga Filipino o 54% ay nagpahayag din ng kanilang kawalan ng tiwala sa Pangulo, tumaas mula sa dating 32%. Bumaba rin ang kanyang trust rating 42% noong Perbrero ay naging 25% nitong Marso.

Samantala, tanging si VP Sara lamang ang mataas na opisyal ng pamahalaan na nakakuha ng maayos na performance ratings, ang kanyang approval rating ay tumaas ng 59% mula sa 52%; at ang disapproval rating naman nito ay bumaba sa 16% mula sa 26%.

Tumaas din ang trust score ni VP Sara ng 8% puntos mula 53% noong pebrero ay naging 61% ng Marso.

Ang survey ay isinagawa mul March 23 hanggang 29, 2025, may 2,400 adult Filipino ang kinapanayam sa pamamagitan ng multi-stage probability sampling. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here