VATICAN – Pumanaw na sa edad na 88 si Pope Francis.
Sa Facebook post ng Vatican News, si Pope Francis ay pumanaw sa kanyang tirahan sa Vatican Casa Santa Marta, April 21, 2025 (Lunes).
Nito lamang Linggo, sakay ng open-air pope mobile si Pope Francis na humarap sa St. Peters Square sa unang pagkakataon mula sa kanyang pagkaka-ospital dahil sa double pneumonia.
Sa kanyang pagpapagaling, nilimitahan ng kanyang doktor ang kanyang trabaho kung saan sa Easter Mass, ang kanyang mensahe ay binasa na lamang ng isang aide.
Samantala, inaantabayan pa ang pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanaw ni Pope Francis.
Milyong mga katoliko naman ang nagluluksa sa kanyang pagpanaw. Jocelyn Tabangcura-Domenden