Home METRO Tserman pinalamon ng bala sa Zamboanga

Tserman pinalamon ng bala sa Zamboanga

ZAMBOANGA CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kapitan dito nitong Biyernes, Disyembre 1.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Serbelyo “Beyong” Molina, 55, kapitan ng Barangay Cawit.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa barangay road patungo sa barangay hall bandang alas-7 ng umaga nang sumulpot ang mga armadong sakay ng isang motorsiklo at pinaputukan ang biktima.

Namatay on the spot si Molina dahil sa maraming tama ng bala.

Sinabi ni Zamboanga City police chief Police Col. Alexander Lorenzo na binantaan si Molina sa kanyang kandidatura sa katatapos na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Inutusan ni Mayor John Dalipe si Lorenzo na magsagawa ng malalim, masinsinan, at mabilis na pagsisiyasat para matukoy at maaresto ang mga suspek. RNT

Previous articleDOH nakiisa sa World AIDS Day
Next articleQCPD shoot fest