Home NATIONWIDE DOH nakiisa sa World AIDS Day

DOH nakiisa sa World AIDS Day

Ginunita ngayon ng Department of Health ang laban ng bansa sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng multiple celebrations alinsunod sa World AIDS Day.

Ang World AIDS Day ay isang global initiative na ipinagdiriwang taon-taon upang itaas ang kamalayan tungkol sa HIV at AIDS, parangalan ang mga nawala at suportahan ang people Living with HIV (PLHIV).\

Sa pamamagitan ng multiple celebrations, binigyang-diin ng DOH ang pagkakaroon ng libreng serbisyo kasama ang HIV prevention methods at treatment care para sa  PLHIVs, gayundin para himokin ang mga tao na magpasuri bilang bahagi ng collective effort na wakasan ang HIV sa 2030.

Biyaheng Kalusugan in Quezon Province

Matagumpay na minarkahan ang World AIDS Day sa pamamagitan ng  Biyaheng Kalusugan campaign sa pakikipagtulongan sa Local Government ng Quezon at Center for Health Development CALABARZON IV-A na ginanap sa Quezon Provincial Capitol, Merchan St. Lucena.

Ang aktibidad ay nilalayong isulong ang malusog na pag-uugali  at tiyakin na ang malusog na pagpiupilian ay ang mas madaling pagpilian ara s alahat,saanman sa lahat ng oras.

Tampok sa aktibidad ang LOVE-A-WALK march para ipagdiwang ang karapatan sa free HIV consultation at counseling at treatment, gayundin upang isulong ang  healthy sexual behaviors.

Philippine National AIDS Council (PNAC)’s World AIDS Day Celebration

Sa ilalim ng temang  “Let Communities Lead – #SamaSamaTayo sa Laban Kontra HIV, Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga,” binigyang-diin ng ikalawang pagdiriwang ang kritikal na papel ng mga inisyatiba na hinimok ng komunidad sa pagtugon sa pagpapagaan sa epekto ng HIV.

“On this significant occasion of World AIDS Day, the DOH proudly commemorates the progress and ongoing efforts in the fight against AIDS. This annual observance serves as a powerful reminder of our collective responsibility to raise awareness and eradicate stigma. The Department also provides various opportunities to improve the delivery of healthcare services for HIV/AIDS through the 8-Point Action Agenda Para sa Healthy Pilipinas. These initiatives will further prevent new infections, enhancing care, treatment, and support, and mitigating the impacts of HIV and AIDS in the post-COVID-19 era,” sabi ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleDOJ: 1K PDLs palalayain sa Pasko
Next articleTserman pinalamon ng bala sa Zamboanga