Home NATIONWIDE DOJ: 1K PDLs palalayain sa Pasko

DOJ: 1K PDLs palalayain sa Pasko

MANLA, Philippines – Tinatayang 1,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang bibigyan ng magandang regalo ngayong pasko.

Sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na inaasahang bibigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng pardon ang 1,000 PDL bilang tradisyon tuwing kapaskuhan.

Ayon pa kay Clavano isusumite nila sa Parole and Probation Administration (PPA) ang listahan ng kwalipikadong mabigyan ng parole na siyang isusumite naman sa tangapan ng Executive Secretary.

Nilinaw ng DOJ na walang priority list ang kagawaran at ang pagkakaloob ng pardon ay nakasalalay lamang sa qualifications.

Iginiit ni Clavano na tanging mabibigyan ng parole probation ang pasok sa listahan.

Kabilang sa binibigyan ng pardon bilang humanitarian consideration ay mga nakatatanda na may malubhang sakit o may disability.

Iginiit naman ni Clavano na hindi pagkakalooban ng pardon ang mga sex offenders kahit matanda na.

Batay sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mahigit 74,000 PDLs ang napalaya na ngayong taon.

Iniulat ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera na kabuuang 74,590 PDLs na ang napalaya mula Enero hanggang Oktubre.

Karamihan sa mga napalaya ay dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) habang nasa 10,000 PDL ay nakalaya matapos pagsilbihan na ang kanilang sentensya. Teresa Tavares

Previous articleAlituntinin sa telco, internet infra construction inilabas ng gobyerno
Next articleDOH nakiisa sa World AIDS Day