MANILA, Philippines – NAGPALABAS ang gobyerno ng joint memorandum circular (MC) na nagtatakda ng rules and regulations ng Executive Order (EO) 32, na naglalayong i-streamline ang proseso para sa konstruksyon ng telekomunikasyon at Internet infrastructure.
Ang Joint MC 2023-01, naglalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng EO 32 ay nilagdaan ng Technical Working Group (TWG) on Telecommunications and Internet Infrastructure na binubuo ng limang ahensiya ng pamahalaan.
Ang mga signatories ay sina Secretary Ivan John Uy (Information and Communications Technology), Manuel Bonoan (Public Works), at Benjamin Abalos Jr. (Interior and Local Government); National Telecommunications Commission Commissioner Ella Blanca Lopez; at Anti-Red Tape Authority Director General Ernesto Perez.
“These Implementing Rules and Regulations are hereby promulgated and issued as Joint Memorandum Circular No. 2023-01 to guide all concerned departments, offices, agencies, and stakeholders, in the implementation of EO No. 32,” ang mababasa sa joint memorandum, isinapubliko araw ng Biyernes.
Nauna rito, nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng EO 32 noong Hulyo 4, na naglalayong “to institutionalize a set of streamlined guidelines for the issuance of permits, licenses, and certificates for the construction of telecommunications and Internet infrastructure.”
Sakop ng EO na i-streamline ang proseso para sa konstruksyon, installation, repair, operation, at maintenance ng infrastructure.
Sakop din ng kautusan ang lahat ng national government agencies at instrumentalities, kabilang ang government-owned or -controlled corporations, at maging ang local government units (LGUs) na may kinalaman sa pagpapalabas ng “permit, lisensiya, clearances, sertipikasyon at authorizations.
Nilikha rin ng EO 32 ang TWG pagdating sa Telecommunications and Internet Infrastructure na bumalangkas sa IRR.
Sa ilalim ng IRR, “a unified application form will be adopted, in which, preformatted form building permit applications shall be prescribed in all cities and municipalities in the country.”
Ang mga maga-apply para sa building permit ay dapat na i-require na magsumite ng property documents, technical documents, height clearance permits, at homeowners’ association clearance, kasama ng unified application form.
Para makakuha ng Certificate of Use at Business o Mayor’s permit, ang aplikante ay kailangan na magsumite ng “certificate of completion, construction logbook, photocopy ng valid licenses, larawan ng istraktura, yellow card/clearance mula sa electrical service provider, at kopya ng As-Built Plan reflecting changes at modifications.”
Itinatakda rin ng IRR ang mga requirements para sa pagtatayo ng poles at konstruksyon ng underground fiber ducts; cable layout ng existing poles at iba pang physical infrastructure; at operation, repair, at maintenance ng passive telecommunications tower infrastructure (PTIIs), kabilang na ang distribusyon ng utility facilities.
Ang mga rules o alituntunin para makakuha ng clearance mula sa ibang ahensiya ng gobyerno at ang local government’s adoption ng EO 32 ay mababasa rin sa IRR.
Binibigyan nito ng mandato ang lahat ng lungsod na magtayo ng One-Stop Shop for Construction Permits, na mas makabubuti sa Office of the Building Official, na magbibigay ng front-line services sa mga aplikante na kumukuha ng building permits at iba pang sertipiko na may kinalaman sa telecommunications at Internet infrastructure.
Samantala, ipinagbabawal naman ng IRR ang anti-competitive activities at inatasan ang mga ahensiya at LGUs na magpatupad ng zero-backlog policy sa lahat ng aplikasyon para sa permit at clearance na sakop sa ilalim ng kautusan.
Ang joint MC ay magiging epektibo 15 araw matapos ang paglalathala , sa Official Gazette man o dalawang national newspapers na may general circulation, at mula sa paghahain ng tatlong certified copies sa University of the Philippines Law Center. Kris Jose