Home NATIONWIDE 90th anniversary ng DOLE ipinagdiwang sa pagbibigay ayuda sa 80K beneficiaries

90th anniversary ng DOLE ipinagdiwang sa pagbibigay ayuda sa 80K beneficiaries

Magbibigay ng financial aid ang Department of Labor and Enployment (DOLE) sa mahigit 80,000 benipisyaryo bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng ika-90 na anibersaryo.

Ayon kay labor undersecretary Benjo Santos Benavidez, magbibigay tulong sa pamamagitan ng livelihood assistance o mga kapital para makapagsimula ng negosyo sa mahigit 10,000 benipisyaryo na gugugol ng halos P200 milyon.

Para naman sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program, sinabi ni Benavidez na magkakaroon ng massive payout ang DOLE sa halagang P30 milyon sa 75,000 benipisyaryo.

Ang TUPAD ay community-based package assistance ng DOLE sa pagbibigay ng emergency employment.

Ayon pa kay Benavidez, ang halaga ng kabuuang tulong na ibibigay selebrasyon ng pagdiriwang ng DOLE ay madadagdagan sa susunod na mga araw.

Batay aniya sa direktba ni labor secretary Bienvenido Laguesma ay ibuhos ang lahat ng tulong sa ating mga kababayan.

Bukod sa ipapamahaging tulong pinansyal, magkakaroon din ng job fairs ang ahensya na nag-aalok ng 40,000 trabaho mula sa 500 kumpanya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)