Davao del Sur – Binaril at napatay ang Barangay Tres de Mayo Captain na si Oscar “Dodong” Bucol Jr. bandang alas-9:00 ng gabi noong Nobyembre 25, 2025 sa loob ng kanyang garahe habang nag-Facebook Live, ayon sa pahayag ng Davao del Sur Police Provincial Office (PDPO).
“Portions of the incident were captured during his ongoing Facebook Live broadcast,” dagdag pa ng pahayag.
Agad na rumesponde ang Digos City Police Station at naglunsad ng provincial dragnet upang mahuli ang mga suspek. Bubuuin ang Special Investigation Task Group (SITG) para sa mas tutok at maayos na imbestigasyon, habang posible nang nakilala ang mga taong may kinalaman batay sa mga dating post ng biktima sa social media.
Kinokolekta rin ng awtoridad ang CCTV footage sa paligid ng crime scene.
“Strongly condemned” ng PDPO ang “brutal” na pamamaril at tiniyak sa publiko na “every effort is being exerted to ensure that justice is served.”
Hinimok nila ang komunidad na magbigay ng impormasyon na makakatulong sa mabilis na paglutas ng kaso. RNT