Home NATIONWIDE Tsina kontra sa paggrupo-grupo ng mga bansa

Tsina kontra sa paggrupo-grupo ng mga bansa

MANILA, Philippines – KONTRA ang Tsina sa “groupings” ng mga bansa habang ang mga lider ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan ay nakatakdang magsagawa ng trilateral defense at security talk sa gitna ng mga kaganapan sa South China Sea.

Sinabi ni Mao Ning, tagapagsalita ng Foreign Ministry ng Tsina na ang pagsalungat ng Beijing sa naging hakbang sa nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos, US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida para tugunan ang banta sa Indo-Pacific region.

“We oppose cobbling together exclusive groupings and stoking bloc confrontation in the region,” ayon kay Mao.

Pinaalalahanan din niya ang mga bansa na “defense cooperation between any countries should be conducive to regional peace and stability.”

Sa ulat, nakatakdang pag-usapan nina Pangulong Marcos, Biden at Kishida ang mga kaganapan sa buong South China Sea, kabilang na ang West Philippine Sea, habang nagpapatuloy naman ang Tsina sa agresibong aksyon nito sa katubigan.

Inaasahan din na pag-uusapan ng mga ito ang posibleng trilateral joint patrol bilang tugon sa banta sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Kris Jose