MANILA, Philippines- Nagbabala ang China laban sa anumang foreign incursion sa sovereign territory kabilang ang South China Sea, ayon sa senior Beijing military official nitong Huwebes sa sidelines ng isang defense forum.
“We hope that the South China Sea will remain a sea of peace,” pahayag ni Chinese army Lieutenant General He Lei sa mga mamamahayag sa Xiangshan forum.
Subalit, dagdag niya, “if the United States moves its pawns behind the scenes, if it pushes countries to the front line, or if the United States itself ends up on the front line, then we in the Chinese People’s Liberation Army… will never have any patience.”
“We in the Chinese People’s Liberation Army will resolutely crush any foreign hostile encroachment on China’s territorial, sovereign and maritime rights and interests with firm determination, staunch will, strong capability and effective means,” giit pa ng opisyal.
Sa mga nakalipas na buwan ay nagkaalitan ang Washington at Beijing dahil sa pag-igting ng agresyon ng China sa pinagtatalunang maritime regions, kasama ang South China Sea.
Matatandaang nasangkot ang Chinese vessels sa serye ng high-profile confrontations sa Philippine ships sa katubigan, kung saan inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng South China Sea sa kabila ng international court ruling na walang basehan ito.
Nitong Huwebes, sinabi ni Lieutenant General na ang resolusyon sa mga tensyong ito “depends on the United States.” RNT/SA