Home HOME BANNER STORY Tsina pinadapa ng Pinas!

Tsina pinadapa ng Pinas!

MANILA, Philippines – Nag-aapoy si Jordan Clarkson sa 96-75 panalo ng Gilas Pilipinas laban sa China nitong Sabado ng gabi sa FIBA ​​World Cup.

Sa ikatlong quarter pa lamang, umiskor si Clarkson ng 20 puntos sa wala pang apat na minuto.

Nagposte ang Utah Jazz star ng 34 points at may limang triples sa final outing ng Pilipinas sa World Cup.

Apat na talo ang Pilipinas bago ang panalo noong Sabado ng gabi, na kanilang una sa World Cup mula noong 2014. RNT