MANILA, Philippines – Aabot sa P442.34 milyon ang tinatayang pinsala sa imprastraktura mula sa apat na rehiyon sa dulot ng pinahusay na habagat at epekto ng Bagyong Goring.
Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang pahayag na sa kabuuang pinsala sa mga kalsada sa mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley at Mimaropa (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) ay P146.28 milyon, habang P14.68 milyon naman ang winasak sa mga tulay, at PHP281.38 milyon sa mga flood control structure.
Pagkaalis ni Goring nitong Agosto 30 ay pumalit naman si bagyong Hanna na nananalasa sa bansa. RNT