Home HOME BANNER STORY Tsina sa P60M danyos na sinisingil ng Pinas: Face the consequences of...

Tsina sa P60M danyos na sinisingil ng Pinas: Face the consequences of your actions

MANILA, Philippines – SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.

Para kay Mao Ning, spokesperson para sa China’s Foreign Ministry na ang aksyon ng Tsina laban sa Pilipinas ay makatuwiran dahil ipinagtatanggol lamang nito ang sinasabing kanilang soberanya sa katubigan.

“The Philippine vessels were carrying out an illegal resupply mission which violated China’s territorial waters and staging a provocation when stopped by China Coast Guard, who acted lawfully and rightfully to defend China’s sovereignty,” ayon kay Mao.

Sa ulat, noong Hunyo 17 ay nagkaroon ng banggaan ang Philippine Navy at CCG matapos harangin ng huli ang resupply mission ng puwersa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinira ng CCG ang dalawang motorboats gayundin ang mga personal na gamit ng ilang Navy officers bukod pa sa pagkuha ng baril ng mga ito.

Pinapasoli rin ng AFP ang pitong baril na kinum­piska ng CCG.

Ayon kay Brawner, dapat lang pagbayarin ang China sa danyos at abala na kanilang ginawa sa mga Navy officers.

Subalit, muling sinabi ni Mao na ang Philippine troops na nagsasagawa ng resupply mission sa grounded BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal ang nagpilit na pumasok sa katubigan ng Tsina, ang claim nito na matagal nang pinawawalang-bisa ng international law at 2016 Arbitral Award.

“China Coast Guard responded with law enforcement measures that are fully legitimate, justified and lawful,” ayon kay Mao.

“We urge the Philippines to stop the infringement activities and provocations, and return to the right track of properly handling differences through dialogue and consultation,” diing pahayag nito. Kris Jose