Home NATIONWIDE Tsina sa Pinas: ‘Resolute’ response sa WPS ikakasa kung..

Tsina sa Pinas: ‘Resolute’ response sa WPS ikakasa kung..

156
0

VIENTIANE, Laos- Tutugon ang China “resolutely” sa anumang paglabag ng Pilipinas sa kamakailang kasunduan upang pahupain ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa sa South China Sea, ayon sa top diplomat nito sa kanyang Filipino counterpart, base sa Beijing nitong Sabado.

Pinag-aagawan ng Manila at Beijing ang bahagi ng strategic waterway kung saan trilyong dolyar ng kalakal ang dumaraan taon-taon.

Noong nakaraang linggo, nagkasundo ang dalawang panig sa “provisional arrangement” para sa resupply missions sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal), na sentro ng karahasan sa mga nakalipas na buwan.

Nanawagan si Wang Yi nitong Biyernes sa Pilipinas “to honor its commitments” sa ilalim ng kasunduan sa halip na “backtracking or creating complications”, batay sa isang readout ng kanyang pulong kasama si Philippine foreign secretary Enrique Manalo sa ASEAN gathering sa Laos.

“Otherwise, China will definitely respond resolutely,” giit ng opisyal.

Samantala, sinabi naman ni Manalo nitong Biyernes na umaasa siyang paninindigan ng Beijing ang salita nito.

“If the parties implement, and we hope China implements the agreement, then we’ll be able to resupply our military personnel on the ship without any obstruction,” ani Manalo.

“I think that would be an important step forward in diffusing tensions and hopefully lead to other areas of cooperation on the South China Sea.”

Nagpulong ang dalawang diplomat sa Laos capital Vientiane, host ng Association of Southeast Asian Nations foreign ministers meeting sa gitna ng mataas na tensyon sa South China Sea.

Inaangkin ng Beijing ang malaking bahagi ng waterway sa kabila ng international court ruling na walang legal na basehan ang claim nito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here