Home METRO Tsino, Pinay dinampot sa P800K pekeng sako sa Bulacan

Tsino, Pinay dinampot sa P800K pekeng sako sa Bulacan

2
0

BULACAN — Arestado ang isang Chinese national at kanyang Filipina employee matapos makumpiska ang tinatayang P800,000 halaga ng umano’y counterfeit rice sacks sa isang warehouse sa Barangay Batia, Bocaue, Bulacan.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ipinatupad ng CIDG Bulacan Provincial Field Unit ang search warrant bandang alas-2 ng hapon noong Setyembre 21, katuwang ang mga kinatawan ng Goldman Sack Manufacturing Corporation at mga lokal na yunit ng pulisya.

Nasamsam sa operasyon ang 101 bundles o humigit-kumulang 80,800 piraso ng rice sacks na may iba’t ibang brand at hinihinalang lumalabag sa copyright at trademark rights.

Sinabi ng CIDG na ang Chinese national ang operator ng warehouse habang empleyado nito ang Filipina. Inakusahan silang nag-iimbak, nagtataglay at nakikipagkalakalan ng mga sako nang walang pahintulot ng trademark owner.

Nakatakdang sampahan ang dalawang suspek ng mga reklamong may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, kabilang ang mga probisyon sa unfair competition at copyright infringement.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang reklamo. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here