Home NATIONWIDE P229-M pondo para palawakin EV program sa 2027, isinusulong

P229-M pondo para palawakin EV program sa 2027, isinusulong

2
0

MANILA, Philippines — Nais ng gobyerno na maglaan ng P228.92 milyon sa 2027 para palawakin ang Electric Vehicle Industry Development Program (EVIDP), kabilang ang pagtatayo ng charging facilities at pagpapalakas ng testing capacity para sa electric vehicles.

Ang panukalang pondo ay nakapaloob sa 2027 National Expenditure Program at higit pitong beses na mas mataas kumpara sa pondong inilaan sa programa ngayong 2026.

Gagamitin ang bahagi ng pondo para sa Electric Vehicle Infrastructure Scoping, Implementation and Operationalization in Selected Government Offices o EVision Project, na layong magdagdag ng EV charging facilities sa piling tanggapan ng gobyerno.

Kasama rin sa programa ang pagtatatag ng Electric Vehicle Charging System Testing Facility upang mapalakas ang kakayahan ng pamahalaan na suriin at tiyakin ang kalidad ng EV charging systems.

Sa ilalim ng umiiral na budget policy, inaatasan din ang mga government entities na tiyaking hindi bababa sa limang porsiyento ng kanilang fleet ang electric vehicles alinsunod sa Electric Vehicle Industry Development Act at kaugnay na roadmap.

Bahagi ang EVIDP ng proposed budget ng Department of Energy para sa 2027. Ang panukalang pambansang budget ay kailangan pang dumaan sa deliberasyon at pag-apruba ng Kongreso bago maging ganap na batas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here