MANILA, Philippines – Maglalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa jeepney driver na pinahiya umano ang isang pasahero.
Nagsampa ng reklamo ang pasahero sa LTFRB para turuan ng leksyon ang driver.
Doble ang sinisingil ng jeepney driver sa pasahero at hiniling na bumaba sa jeepney dahil sa sobrang timbang.
Sinabi rin ng jeepney driver na bigat ng 29-anyos na pasahero ang dahilan ng pagka-flat ng mga gulong ng jeep.
Maglalabas din ng show cause order ang LTFRB sa operator ng jeepney para humingi ng paliwanag.
Maaari silang harapin ng mga kaso ng hindi makatarungang diskriminasyon, kawalan ng kagandahang-loob, at labis na paniningil. RNT