MANILA, Philippines – Nauwi sa pagpatay ang dapat sana ay masayang selebrasyon ng kapistahan sa Barangay Victoria, San Remigio, Cebu nitong Biyernes, Oktubre 18.
Ito ay matapos na saksakin ng drayber ng modern jeepney ang common law partner nito dahil sa selos.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Peter Arnado habang ang common law partner nitong biktima ay si Jocelyn Ababa.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang manhunt operation laban kay Arnado.
Sa ulat, bumisita ang mag-partner sa bahay ng kanilang kaibigang si Eden Breguiz sa Brgy. Victoria nitong Biyernes para makipiyesta.
Ang dalawa ay kasal na, at si Ababa ay mayroong dalawang anak sa kanyang dating asawa, habang si Arnado naman ay hiwalay na mula sa asawa nitong nasa Bohol.
Nagsama ang dalawa sa isang tirahan noong 2023 at nagrenta ng bahay sa Brgy. Lahug sa Cebu City.
Ayon sa pulisya, si Ababa ay nagtamo ng pitong saksak sa leeg, dibdib at iba pang bahagi ng kanyang katawan na sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Natagpuan din ng 12 inch na kitchen knife malapit sa katawan nito.
Sa salaysay ng mga saksi, posibleng selos ang dahilan ng pagpatay ni Arnado kay Ababa.
Inihahanda na ang reklamong murder laban sa suspek. RNT/JGC