Home NATIONWIDE Tsuper ng modern jeepney patay sa ‘pasahero’ sa AntipoloNATIONWIDETOP STORIES Tsuper ng modern jeepney patay sa ‘pasahero’ sa AntipoloDecember 23, 2025 08:442670 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Patay ang drayber ng modern jeepney matapos barilin ng nagpanggap na pasahero sa Antipolo City, Rizal.Nakita sa camera sa loob ng sasakyan kung paanong malapitan na binaril ng suspek ang biktima.Sinabi ng konduktor ng jeepney na naka-duty sila Biyernes ng madaling araw, Disyembre 19 nang parahin sila ng suspek.Nagtanong ang suspek kung magkano ang pasahero at nang sumagot ang drayber ay dito na ito binaril.Agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka.Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pamamaril ng suspek. RNT/JGC