MANILA, Philippines – Isusuko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng data storage devices, documents, records at files na kaugnay sa opisina ng dating Undersecretary Maria Catalina sa Office of the Ombudsman at sa Philippine National Police.
ITo ay matapos maglabas ng subpoena ang Ombudsman sa DPWH na nag-uutos na isumite ang mga computer at device ni Cabral para sa forensic examination.
Disyembre 18 nang matagpuan si Cabral na walang malay sa lalim na 20 hanggang 30 metro mula sa banin ng highway sa Kennon Road sa Tuba, Benguet na kalaunan ay idineklarang patay.
Ayon sa PNP, patuloy ang imbestigasyon bagamat may ilang ebidensya na tumutukoy sa posibleng pagpapakamatay ni Cabral.
Si Cabral ay naiugnay sa maanomalyang proyekto sa flood control ni dating Undersecretary Roberto Bernardo.
Aniya, humingi sa kanya si Cabral ng listahan ng mga proyekto na may kaugnayan sa lump sum fund aloocation ng DPWH. Jocelyn Tabangcura-Domenden