Home NATIONWIDE TUCP: Zero income tax, VAT-free kuryente, P200 wage hike ipatupad

TUCP: Zero income tax, VAT-free kuryente, P200 wage hike ipatupad

1
0

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pinalawak na income tax exemptions at mas mababang buwis para sa maliliit na negosyo, ngunit iginiit na lawakan pa upang mas agad na maramdaman ng taumbayan.

Sinabi ni TUCP Party-list Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza na bagama’t maganda ang hakbang na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA), kulang pa ito kung hindi isasabay ang zero income tax para sa middle-income earners, ang tuluyang pag-aalis ng 12% VAT sa kuryente, at ang ₱200 legislated wage hike para sa lahat.

“For far too long, the Filipino middle class has been squeezed dry by a tax system that asks more from those who work hardest while giving them the least protection from inflation: pinipiga ang karaniwang manggagawa na bihirang makinabang sa ayuda,” ani Mendoza.

Hinikayat ng TUCP si Pangulong Marcos na i-certify bilang urgent ang House Bill No. 8860 o ang Patas na Ambag sa Tax para sa Angat-Sahod (PATAS) Act na naglalayong itaas ang income tax exemption sa ₱600,000 kada taon.

Suportado rin ng grupo ang pagbaba ng buwis sa mga korporasyon at MSMEs, ngunit diin ni Mendoza, hindi dapat mapunta lamang sa tubo ng kumpanya ang matitipid kundi dapat ding isalin sa mas magandang sahod para sa mga manggagawa. Iginiit nito na dapat isabatas ang House Bill No. 8 para sa ₱200 daily minimum wage increase.

Pinuri rin ng TUCP ang pahayag ng Pangulo tungkol sa pag-aalis ng system loss charge na pinapatawan ng VAT, ngunit iginiit na dapat nang alisin nang buo ang 12% VAT sa kuryente sa pamamagitan ng House Bill No. 6740.

Gayunpaman, nagpahayag ng pagkadismaya ang grupo sa kawalan ng pangako para sa pagtaas ng minimum wage ng mga manggagawa sa labas ng Metro Manila.

“A worker whose taxes are lower but whose wages remain depressed is still struggling. Likewise, a wage increase that is immediately eroded by excessive taxation also falls short. Workers deserve both,” pagtatapos ni Mendoza. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here