Home METRO Tugboat lumubog sa Cebu, oil spill inagapan

Tugboat lumubog sa Cebu, oil spill inagapan

MANILA, Philippines – Lumubog ang isang tugboat sa dagat ng Naga Anchorage sa Naga, Cebu nang masira o magkaroon ng butas ang likurang bahagi nito kung saan naroon ang makina.

Agad namang tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa oil spill na kinasasangkutan ng MTUG SUGBO 2.

Nagtalaga ang PCG team ng tatlong segment ng oil spill boom, dalawang bale ng absorbent pad, at apat na segment ng absorbent boom upang kontrolin ang oil spill.

Base sa imbestigasyon, tumawag ang nasabing barko sa PCG upang para iulat na nagkaroon ng sira ang barko.

Napansin umano ng crew na binaha ang steering room dahil sa tinatayang apat na pulgadang diametrong butas sa starboard quarter ng barko.

Inatasan niya ang mga crew na maglagay ng submersible pump upang maalis ang tubig-dagat sa loob ng steering room, ngunit nawalan ng kuryente ang tugboat.

Nakipag-ugnayan ito sa sister ship na MTUG SUGBO 5, para ikonekta ang power source nito sa submersible pump, ngunit itinigil din ang pumping operation dahil sa pagtaas ng dami ng tubig sa steering room.

Kasunod nito, dumating ang MTUG SUGBO 7 at nagbigay ng tulong, ngunit ang mas bumilis pa ang pagpasok ng tubig kaysa sa tubig na kanilang naibomba.

Dahil sa hindi magandang kondisyon ng dagat, inutusan ng master ang lahat ng tripulante na iwanan ang barko para sa kaligtasan bago ito tuluyang lumubog. Jocelyn Tabangcura-Domenden