SULTAN KUDARAT- SHOOT sa kulungan ang isang pinaniniwalaan tulak ng iligal na droga matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy bust operation kagabi, Disyembre 6 sa bayan ng Lambayong.
Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Lambayong Municipal Police Station ang suspek na itinago sa pangalan Dodo, 46, isang street individual level individual at residente ng residente ng Purok 6, Brgy. Tinaungan, Pres. Quirino, Sultan Kudarat.
Sa report ng pulisya, bandang 7:43 PM ng Biyernes nang madakip ang suspek sa Purok Salukag, Brgy. Mamali, ng nabanggit na bayan.
Nakuha sa suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng shabu at aabot sa halagang P17,000.00, P1,000 buy bust money at cellphone na ginagamit nito sa kanyang iligal na transaksyon.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 9165 ang suspek. Mary Anne Sapico