Home METRO Magsasaka patay sa pananambang

Magsasaka patay sa pananambang

SULTAN KUDARAT- SABOG ang bungo ng isang magsasaka matapos tambangan at pagbabarilin ng mga armadong suspek kagabi, Disyembre 6 sa bayan ng Lambayong.

Kinilala ang biktimang si Aldrin Ramolete Ablaneda, 46, may asawa, at residente ng Purok 1, Barangay Kabulakan, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa report ng Lambayong Municipal Police Station, bandang 7:40 PM ng Biyernes naganap ang krimen ilang metro ang layo sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad sakay ang biktima ng kanyang tricycle pauwi sa kanilang tahanan ng bigla na lamang itong tambandang ng mga armadong di-kilalang suspek.

Dito, walang babalang pinagbabaril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis naman tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para agaran pagdakip. Mary Anne Sapico