QUEZON CITY — Naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si alyas “Rex,” 51, residente ng Brgy. Tandang Sora, sa isang buy-bust operation noong Oktubre 25, 2025, ayon kay PCOL Randy Glenn Silvio, Acting District Director ng QCPD.
Nangyari ang operasyon dakong 9:39 ng gabi, sa pakikipagtulungan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at PDEA-NCR, matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen. Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng P6,500 halaga ng shabu mula sa suspek bago ito arestuhin.
Nakuha mula sa kanya ang 31.46 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P213,928, isang coin purse, at buy-bust money. Lumabas sa record na may mga naunang kaso siya ng paglabag sa R.A. 9165 at P.D. 1602. Kakakuhanin ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ani PCOL Silvio, “Patuloy nating hahabulin at huhulihin ang mga patuloy na lumalabag sa batas, habang pinalalakas natin ang ating pangako na matiyak ang isang mas ligtas at walang droga na Quezon City.” Santi Celario