Home METRO Tulak, tiklo sa P.2M tobats sa Valenzuela City

Tulak, tiklo sa P.2M tobats sa Valenzuela City

1
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Tiklo ang isang lalaking tulak umano ng ilegal na droga matapos makumpiskahan  ng higit sa  P.2-milyong halaga ng shabu sa ikinasang   buy bust operation  ng pulisya, napaulat sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Thugs”, 45, ng Brgy., Canumay West na mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng suspek ng ilegal na droga.

Matapos matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na buyer na hudyat na positibo na ang transakyon, kaagad lumapit ang back up na operatiba saka inaresto ang suspek dakong alas-10:40 ng gabi sa L. San Diego Street, Brgy. Canumay West.

Nang kapkapan, nasamsam sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng isang plastic sachet ng umano’y shabu, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang pitong P1,000 boodle money at P150 cash.

Ayon kay SDEU investigator P/MSg Ana Liza Antonio, umabot lahat sa 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000 ang nasamsam sa suspek habang kinumpiska rin ang gamit niyang motorsiklo sa pagdedeliber umano ng droga.

Paalala ng pulisya sa mamamayan na  huwag makilahok sa anumang iligal na aktibidades partikular ang may kinalaman sa droga at ipagbigal alam sa kinauukalan anuman ang nalalaman nila ukol dito nanag sa ganon ay mabilis nilang maaksiyunan  ito at mapanagot sa batas. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here