Home METRO Tulak timbog sa P1.6M shabu

Tulak timbog sa P1.6M shabu

MANILA, Philippines- Nasabat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang kabuuang P1,632,000 shabu mula sa isang bigtime drug peddler sa buy-bust operation sa Quezon City nitong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Ricardo Dominique, 21, residente ng Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Nadakip ang suspek ng mga operatiba ng PS 15 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant ukol sa kanyang drug peddling activities sa Barangay Bahay Toro.

Nalambat ng suspek nang magbenta ng ilegal na droga sa isang police poseur-buyer.

Nakumpiska sa kanya ang 240 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,632,000, isang belt bag, at ang buy-bust money.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), ayon sa mga awtoridad. RNT/SA