Home METRO Tulak timbog sa P90K ‘tsongki’ sa Bulacan buy-bust

Tulak timbog sa P90K ‘tsongki’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan umano ng P90,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report ng SJDM police station, nakilala ang suspek na si Melencio Musada.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang operasyon bandang alas-8:00 ng gabi nitong January 5 sa parking lot ng isang resort sa Brgy. Graceville.

Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 750 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P90,000.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

Previous articleNationwide cleanup drive
Next article2 drug suspeck kulong sa P350K shabu sa Caloocan