Home OPINION TULAY, HINDI KAILANGAN SA BORACAY

TULAY, HINDI KAILANGAN SA BORACAY

197
0

IISA ang sigaw ng mga katutubo at mga residente ng isla ng Boracay na tigilan ang binabalak na proyekto na pagpapatayo ng tulay na nagdurugtong sa mainland ng Caticlan papunta sa nasabing at isla.

Dumanas nang hirap ang Boracay magmula ng ipasara ito pansamantala dahil sa mapaminsalang pandemya ngunit may panibagong problema na namang kinakaharap dahil sa hindi maayos na pagpapaunlad ng lugar na dinarayo ng mga lokal at banyagang turista na malaki ang naitulong sa pag-unlad ng ekonomiya at pangkabuhayan ng Boracay.

Nitong nakaraang taon lang, mismong ang pamahalaan ng Aklan ang tumutol kabilang na ang gobernador dahil hindi nagustuhan ang panukalang Boracay Bridge project na handang pondohan ng isang malaking kompanya.

Binabalak pa lang ay tipong may pagkabayolente na ang mga naging reaction ng mamamayan ng nasabing lalawigan na sinuportahan halos lahat ng Local Government Unit ng lalawigan.

Hamakin mo nga naman na napakatahimik at maayos ang kapaligiran ngunit nanganganib ang coral reefs, beaches, at marine life nito, kapag hinalukay ang ilalim ng dati’y malinaw na dagat at ang malaking pagkawala ng kita ng lokal na pamahalaan.

Napakalaki ng bilang ang umaalma at maging ang simbahan ay hayagang tinutuligsa ang gagawin na proyekto na hinihinalang maaaring pagkagahaman sa pera ang dahilan.

Bagamat may ilang lokal na opisyal na umaayon, sa nasabing proyekto marami pa rin na ang kanilang simpatiya sa mga residente na umaasang manaig ang kanilang pag tutol para huwag ng matuloy ang nasabing mapaminsalang proyekto.

Malaking abala, pinsala at kabawasan sa kikitain ng isla kung aabutin pa ng ilang taon ang gagawing proyekto dahil sa dumi na idudulot na makaaapekto sa mga dumadalaw na turista.

Ang mga masalimuot na pangyayari ay hindi kagustuhan ninuman ngunit hindi rin maaaring isantabi ang kaunlaran na idudulot kung makakagawa ng paraan kung paanong ang isang proyekto na magiging katanggap tanggap sa mamamayan ng Aklan.

Ngunit dahil walang endorsement at pormal na konsultasyon sa LGUs, at pagtutol ng lalawigan at iba pang nakikisimpatya, wala pang konkretong pag‑apruba kung Kailan sisimulan ang nasabing proyekto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here