MANILA, Philippines – PERSONAL na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nasa 1,000 sako ng bigas at bottled drinking water na ibinigay ni Senador Erwin Tulfo, sa pakikipagtulungan nina Manila 1st District Congressman Ernix Dionisio at 5th Dist. Cong. Irwin Tieng para sa mga residente ng Maynila partikular na sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha dulot ng habagat.
Tiniyak naman ni Domagoso na makararating ang mga nasabing tulong sa mga pinakanangangailangan, lalo na sa mga evacuee na patuloy na binibigyan ng pagkain sa mga evacuation center.







