Home OPINION TULOY-TULOY NA SERBISYO NG PHILHEALTH, TINIYAK NI PBBM

TULOY-TULOY NA SERBISYO NG PHILHEALTH, TINIYAK NI PBBM

NITONG Martes, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Department of Health (DOH) secretary Teodoro Herbosa na tiyaking tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH).

Sa paglagda ng pambansang badyet para sa 2025 noong Disyembre 2024 ay tiniyak ni Pangulong BBM na magpapa­tu­loy ang serbisyong ibinibigay ng PHILHEALTH kahit wala itong na­tanggap na subsidiya mula sa badyet.

Binigyang-diin ng Pangulo ang pangako ng administras­yon na bigyang-priyoridad ang mga serbisyong panlipunan sa badyet para sa 2025, na naka­tuon sa mahahalagang sektor tulad ng edukasyon, kalusugan, serbisyong pang-ekonomiya, imprastruktura, at agrikultura.

Sa nasabing pagpupulong noong Enero 14, 2025 ay hini­mok ni Pangulong BBM si Secretary Herbosa na ituon mula sa paggamot patungo sa pag-iwas, idiniin ang kasabihang “mas mai­nam ang isang onsa ng pag-iwas kaysa sa isang libra ng lunas.”

Mas mabuti ito kaysa sa isang palakpak na nakasasa­kit.

Ang programang “KONSULTA” o Konsultasyong Sulit at Tama na pinamamahalaan ng PhilHealth ay pagbibigay ng primary care benefit package ka­bilang ang consultation, health screening and assessment, la­boratory tests, at maging mga gamot.

Kasama sa PhilHealth Konsulta Package ang targeted health risk screening at assessment, initial at follow-up consultation, mga piling laboratory test, at gamot batay sa rekomendasyon ng doktor kung saan nakarehistro ang miyembro at qualified dependents niya.

Ang mga laboratory at diagnostic procedure na pasok sa pakete ay complete blood count with platelet count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fecal occult blood, pap smear, lipid profile, fasting blood sugar, oral glucose tolerance test, electrocardiogram, creatinine at HbA1c.

Samantala, kabilang sa mga gamot na kasama ang anti-microbial, anti-asthma, antipyretics, anti-dyslipidemia, anti-diabe­tic, at anti-hypertensive, kabilang ang fluids at electrolytes, anti-thrombotic, at anti-histamines.

Ang kagandahan at kapakinabangaan ng programang ito ng PhilHealth na alinsunod sa Republic Act No. 11233 o ang Universal Health Care Law ay malaki ang maitutulong ng maagang pagkakaalam ng sanhi ng problema sa kalusugan para ma­iwasan ang paglala pa ng kon­dis­yon.

Pinangunahan din ng Pa­ngu­lo ang kahalagahan ng digita­li­sasyon sa DOH upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo at pagiging epektibo nito.