Home OPINION TULUNGAN PARA SA MAHIGIT 7,300 ABOT- KAYANG PAHABAY SA ILALIM NG EXPANDED...

TULUNGAN PARA SA MAHIGIT 7,300 ABOT- KAYANG PAHABAY SA ILALIM NG EXPANDED 4PH

1
0

PORMAL nang pumasok sa isang investment partnership ang Pag-IBIG Fund at ang P.A. Alvarez
Properties and Development Corporation (PAAPDC) upang bilisan ang pagtatayo ng higit sa 7,300 na
abot-kayang tahanan sa buong Batangas, Laguna, at Pampanga sa ilalim ng Expanded Pambansang
Pabahay para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang mga ipatatayong pabahay ay bubuoin ng 80% socialized at 20% economic housing units, na
naglalayong palawakin ang suplay ng de-kalidad at abot-kayang tahanan sa mga pangunahing growth
areas sa Timog at Gitnang Luzon para sa mga manggagawang Pilipino at kanilang pamilya.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon
P. Aliling, na siya ring Tagapangulo ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, ang partnership na ito ay
nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na pabilisin ang pagbibigay ng housing sa tulong
ng ng pribadong sektor ng negosyo.

Aniya, ang pagsasama ng pondo ng gobyerno at kakayahan ng pribadong sektor ay magpapataas ng
housing supply, makatutulong sa higit na maraming manggagawa na magkaroon ng sariling bahay,
makalilikha ng trabaho, at magsusulong ng inklusibong pag-unlad ng ekonomiya.

Sa ilalim ng kasunduan, mag-iinvest ang Pag-IBIG Fund ng ₱2.9 bilyon sa pamamagitan ng pag-
subscribe sa preferred shares ng PAAPDC na babayaran nang paunti-unti (tranches). Ang investment na
ito ay kumikita ng fixed annual return na 9% sa loob ng tatlong taon.

Inihayag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang partnership ay
patunay kung paano tinutupad ng ahensya ang dalawang pangunahing mandato nito: ang tulungan ang
mga manggagawa na magkaroon ng sariling tahanan at ang maingat na pagpapalago sa ipon ng mga
miyembro upang makapagbigay ng ligtas at tuloy-tuloy na balik-puhunan.

Sa unang kalahati ng taong 2026, naglabas ang Pag-IBIG Fund ng ₱69.19 bilyon sa housing loans upang
tulungan ang 43,051 na manggagawang Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan. Higit pa sa doble ang
itinaas ng socialized housing financing sa nasabing panahon, kung saan 6,601 na minimum-wage at low-
income members ang nakakuha ng bahay sa ilalim ng Expanded 4PH Program.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here