Home NATIONWIDE Tumodas sa brodkaster sa NegOcc, tutugisin ng PNP

Tumodas sa brodkaster sa NegOcc, tutugisin ng PNP

127
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Philippine National Police na tutugisin ang mga pumatay sa isang broadcast journalist sa Negros Occidental habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Ang biktima ay si Julito “Jaz” Diamante Calo, 49-anyos, isang radio announcer at host ng “Waswasanay sa Quinto Distrito” sa 88.3 DNN News FM, na binaril noong Marso 20 sa Barangay Robles, La Castellana.

Ayon sa ulat, nakatayo si Calo sa labas ng kanyang bahay nang lapitan ng isang puting SUV at pagbabarilin ng isa sa mga sakay, na agad niyang ikinamatay.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakadeploy na ang tracker teams upang hanapin ang mga salarin, at inatasan na ang regional at provincial police na pabilisin ang imbestigasyon.

“The Philippine National Police condemns in the strongest terms the killing of a broadcast journalist in Negros Occidental. We assure the public and the media community that we will look closely into this case to arrest and charged all those involved in this senseless killing,” ani Nartatez.

“The investigation is ongoing and progressing. We are validating all leads to ensure a solid case will be filed,” dagdag niya.

Makikipag-ugnayan din ang PNP sa Presidential Task Force on Media Security upang masuri ang mga banta sa iba pang mamamahayag sa lugar.

Hinimok din ang publiko at media na mag-ulat ng anumang banta, kasabay ng pangakong palalakasin ang proteksyon para sa mga mamamahayag. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here