Hindi tama ang pagbibigay ng ayuda na may inaasahang kapalit na boto.
Ito ang tahasang pahayag ni PAMILYA KO Partylist first nominee Atty. Nel Diaz bilang reaksyon sa mga isyu na ilang pulitiko ang gumagamit ng AYUDA bilang political maneuvering strategy.
“Malinaw na vote buying. Hindi dapat na ginagamit ang ayuda para makahikayat ng boto ngayong panahon ng pangangampanya para sa 2025 elections”, sabi ni Atty. Diaz.
May moral ascendancy naman si Atty. Diaz at ang Pamilya Ko Partylist para punahin o batikusin ang pakunyaring ayuda sa mga mamamayan dahil sa maraming taon ay nagsilbi na sila sa mga pamilyang Filipino sa pamamagitan ng kanilang mga outreach programs.
Paniniwala ni Atty. Diaz na kung gusto talagang magbigay ng tulong o ayuda ng sinumang pulitiko o kandidato, dapat lamang na wala itong ibang layunin kundi ang makatulong sa mamamayan nang walang hinihinging kapalit lalo na sa ganitong mga panahon.
Kapag mayroon aniyang inaasahang balik na boto ang mga namamahagi ng ayuda, malinaw na hindi ito ayuda kundi isa nang vote buying na mahigpit na ipinagbabawal sa panahon ng kampanya o Araw ng eleksyon.
Sa ginawang pag-iikot sa San Jose Del Monte City, Bulacan ng PAMILYA KO Partylist, sinabi nina Atty Diaz na consistent sila sa pagsusulong ng interes at pangangailangan ng iba’t ibang anyo ng modernong Pamilyang Filipino.
Lagi umano nilang bibigyang diin ang pagkakapantay-pantay laluna para sa LOVABLES na kinabibilangan ng Live in parents, OFW Parents, Victims of domestic abuse, Adoptive families, Blended families, Lgbtq plus families, Elderly at extended families, at Single o solo parent. RNT