MANILA, Philippines – Makakaapekto ang dalawang weather system sa bansa ngayong Sabado, Marso 29.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Batanes at Babuyan Island dahil sa Northeasterly Windflow.
Easterlies naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC