Home NATIONWIDE TUPAD program ng DOLE sa PUV drivers, nagpapatuloy

TUPAD program ng DOLE sa PUV drivers, nagpapatuloy

52
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbibigay ng benipisyo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga public utility drivers sa pamamagitan ng TUPAD Tuloy Pasada Program na layong maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa DOLE, umabot na sa 9,981 benepisyaryo sa buong bansa ang nabigyan ng emergency employment assistance sa ilalim ng programa hanggang Mayo 28, na may kabuuang ayuda na P45.2 milyon.

Sa naturang bilang, 3,343 benepisyaryo ang nakatapos na ng trabaho habang 6,638 pa ang kasalukuyang nagtatrabaho mula sa target na higit 50,000 pampublikong utility jeepney drivers at transport workers sa bansa.

Ipinatutupad ang programa sa National Capital Region at ilang rehiyon kabilang ang Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at Caraga.

Nagbibigay ang programa ng pansamantalang hanapbuhay at minimum wage support sa mga transport worker habang patuloy silang nagseserbisyo sa mga commuter.

Tinatayang mangangailangan ng P1.2 bilyong pondo ang pagpapatupad ng programa sa buong bansa bilang bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng mataas na presyo ng langis sa sektor ng transportasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here