Home NATIONWIDE 2 patay sa military training plane crash sa Taiwan

2 patay sa military training plane crash sa Taiwan

72
0

TAIWAN – Nasawi ang dalawang piloto matapos bumagsak ang isang military training aircraft habang nagsasagawa ng simulated engine failure exercise sa Taiwan nitong Martes, Hunyo 2.

Ayon sa Ministry of Defense, bumagsak ang T-34 training plane dakong alas-8:08 ng umaga sa hilagang bahagi ng runway ng Gangshan Air Base sa Kaohsiung City.

Kinilala ang mga nasawing piloto sa kanilang apelyidong Lt. Col. Lu at Lt. Col. Guo.

Agad na bumuo ng task force ang Taiwanese Air Force upang imbestigahan ang sanhi ng aksidente.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Pangulong Lai Ching-te at tinawag na mga “bayani” ang dalawang piloto.

“Malungkot ako sa pagkawala ng kanilang buhay. Salamat sa kanilang sakripisyo at dedikasyon para sa Taiwan,” ani Lai.

Noong Enero, isang F-16 fighter jet din ng Taiwan ang bumagsak sa dagat sa silangang bahagi ng bansa habang nasa routine training mission. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang piloto nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here