Home METRO Konsi binaril sa mukha, dedbol

Konsi binaril sa mukha, dedbol

58
0

ILOCOS SUR-Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos barilin sa mukha sa Brgy. Bungro, Magsingal ng lalawigang ito Lunes ng gabi, Hunyo 1.

Ayon sa Magsingal Municipal Police Station, ang biktima ay isang barangay kagawad, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nasa veranda ng kanilang bahay ang biktima nang barilin ng hindi nakilalang suspek.

Nabatid na nagtamo ng gunshot wounds sa kanyang mukha ang biktima.

Ang biktima ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here