MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Agriculture (DA) na tinitingnan nito na mag-demand ng mas malakas na contract enforcement kasama ang Vietnamese rice suppliers habang mas pinalalalim pa ng Maynila at Hanoi ang ugnayang pang-ekonomiya.
Sa isang kalatas, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang hakbang ay naglalayon na “ensure greater predictability in agricultural transactions between the two countries.”
“One of the major issues is that when prices go up, the Vietnamese side normally rescinds the contract,” ani Tiu Laurel sabay sabing ito’y paulit-ulit na alalahanin sa hanay ng Philippine importers at policy makers.
Aniya, hangad ng Pilipnas na “to narrow a persistent trade gap that heavily favors Vietnam,” sa pamamagitan ng palakasin ang exports sa Vietnam at tugunan ang long-standing concerns ukol sa implementasyon ng agricultural trade agreements, partikular na sa rice sector.
Ipinahayag ito ni Tiu Laurel matapos na ianunsyo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnam President Tô Lâm ang pinaigting na strategic economic at diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Partikular na rito, kapuwa hangad ng Maynila at Hanoi na palawigin ang bilateral trade na lampas sa mutual target na $10 billion.
Ani Tiu Laurel, ang usapin kasama ang Vietnamese suppliers ay babanggitin sa darating na bilateral talks habang tinatrabaho na ng dalawang gobyerno na gawing mas reliable at episyente ang trade arrangements.
“The contract enforcement problem has prompted Philippine industry stakeholders and government agencies to negotiate with Vietnam through a more coordinated approach,” anito.
Nananatili naman ang Vietnam bilang ‘largest source of imported rice’ ng Pilipinas, nakapag-ambag sa trade deficit ng $2.7 billion.
Para naman kay Vietnam Industry and Trade Minister Le Manh Hung, kinilala nito ang mga hinaing at tiniyak sa mga opisyal ng Pilipinas na ang usapin ay iaakyat sa Ministry of Agriculture and Environment ng Vietnam para sa karagdagang talakayan.
Gayundin, nanawagan naman si Tiu Laurel para sa ‘urgent reinforcement’ ng bilateral technical mechanisms para sa Joint Trade Committee (JTC) at Joint Committee on Agriculture (JCA) ngayong taon para pag-usapan ang mga concerns ng magkabilang panig. KRIS JOSE