Home NATIONWIDE TUPAD rollout pinamamadali ng Malakanyang bago Brigada Eskwela

TUPAD rollout pinamamadali ng Malakanyang bago Brigada Eskwela

56
0

MANILA, Philippines – Itinutulak ng Malacañang ang mas mabilis na rollout ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program upang makatulong sa paghahanda para sa Brigada Eskwela at makalikha ng dagdag na trabaho sa buong bansa.

Nagkasundo sina Executive Secretary Ralph Recto at Labor Secretary Francis Tolentino na pabilisin ang implementasyon ng programa sa isang pulong sa Office of the Executive Secretary, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang oportunidad sa trabaho.

Ayon sa Office of the Executive Secretary (Office of the Executive Secretary Philippines), binigyang-diin ni Recto ang estratehikong paggamit ng mga benepisyaryo ng TUPAD sa paghahanda ng mga pampublikong paaralan bago ang pagbubukas ng klase.

Plano ng pamahalaan na mobilisahin ang mga TUPAD worker para sa maintenance, repair, at beautification ng mga paaralan sa ilalim ng Brigada Eskwela, habang nagbibigay rin ng pansamantalang trabaho sa mga disadvantaged at displaced workers.

Ayon sa OES, ipinahayag ni Recto ang buong suporta sa Department of Labor and Employment (Department of Labor and Employment Philippines) at kumpiyansa sa pamumuno ni Tolentino bilang acting Labor secretary.

Si Tolentino ay bagong itinalaga matapos magbitiw si dating Labor Secretary Bienvenido Laguesma dahil sa kalusugan. Dumalo rin sa pulong si Education Undersecretary Fatima Lipp Panontongan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here