MANILA, Philippines – Sinampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at graft si Senator Jinggoy Estrada kaugnay ng umano’y kickbacks sa flood control projects ng gobyerno.
Inihain sa Sandiganbayan nitong Huwebes ang reklamo laban kay Estrada at dating Public Works and Highways secretary Manuel Bonoan. Si Estrada rin ang pinakamataas na incumbent official na nahaharap sa kasong kriminal kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects.
Pangatlong beses na itong nasangkot si Estrada sa kasong plunder sa nakalipas na 25 taon. Noong 2001, kinasuhan siya kaugnay ng jueteng money, habang noong 2014 ay naharap siya sa plunder, graft, direct at indirect bribery cases dahil sa umano’y maling paggamit ng P183 milyong PDAF.
Bagama’t naabsuwelto sa plunder at bribery cases, nananatili pa rin ang 11 graft cases laban sa senador sa Sandiganbayan kaugnay ng PDAF issue.
May precautionary hold departure order na rin laban kay Estrada mula sa isang korte sa Maynila kaugnay ng flood control controversy.
Ang isinampang kaso nitong Huwebes ang ikaapat na batch ng criminal complaints mula nang maupo si Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Oktubre 2025.
Samantala, hinihintay pa ang pahayag ng kampo ni Estrada hinggil sa mga bagong kaso. Santi Celario