Home METRO Tupi IT Park sa Cotabato itinalagang special ecozone

Tupi IT Park sa Cotabato itinalagang special ecozone

MANILA, Philippines- Pinangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Tupi Information Technology (IT) Park sa South Cotabato bilang isang Special Economic Zone upang hikayatin ang foreign investors at pasiglahin ang ekonomiya sa lugar.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 530 noong May 2, na lumilikha at nagtatalaga sa Tupi IT Park bilang isang Special Economic Zone kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Alinsunod din ito sa kapanyarihang nagbibigay-awtoridad sa Pangulo sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7916, o ang Special Economic Zone Act of 1995.

Saklaw ng Proclamation No. 530 ang Lot 1-C-5-A (LRC) Psd-198686 TCT No. 145-2015001381, na matatagpuan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Tupi. RNT/SA