Home NATIONWIDE Turnover ng 333 housing units sa Valenzuela City, pinangunahan ni PBBM

Turnover ng 333 housing units sa Valenzuela City, pinangunahan ni PBBM

5
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng 333 housing units sa Disiplina Village Arkong Bato, Valenzuela City, araw ng Martes, Setyembre 15 para sa mga informal settler families (ISFs) na inilipat mula sa mga high-risk zone, kabilang ang mga komunidad na malapit sa Tullahan River at iba pang lugar na madalas bahain.

Bahagi ito ng relocation program ng pamahalaan upang mabigyan ang mga ISFs ng mas ligtas at maayos na tirahan, malapit sa mga paaralan, pagamutan at iba pang pangunahing serbisyo.

Bawat housing unit ay idinisenyo upang maging maayos at angkop sa pangangailangan ng mga benepisyaryo. May regular na unit na 24 square meters na may loft, habang 30 square meters naman ang mga unit para sa persons with disabilities.

Mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2026, umabot na sa 595,427 ang mga housing units na nagawa o napondohan ng pamahalaan sa ilalim ng iba’t ibang programa sa pabahay, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ligtas, matibay at abot-kayang tahanan para sa mga pamilyang Pilipino. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here