MANILA, Philippines – Nagsagawa ng conference ang mga youth leaders at miyembro ng socio-civic at religious groups nitong Martes, Setyembre 15, upang manawagan ng kasagutan, katotohanan, hustisya at pananagutan kaugnay ng malaking flood-control scandal.
Suot ang mga raincoat at may dalang payong, nagbitbit ang mga kalahok ng mga karatulang humihingi ng paliwanag sa umano’y malawakang anomalya sa mga flood-control project.
Isinagawa ang aktibidad habang papalapit ang unang anibersaryo ng Trillion-Peso March at ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. DANNY QUERUBIN