Nakiisa si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa turnover ng Super Health Center noong Huwebes, Enero 9, sa Barangay Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato.
Sa kanyang talumpati, ikinagalak ng senador ang turnover ng Super Health Center na aniya’y isang mahalagang paglilingkod sa komunidad para mailapit ang pangangalagang pangkalusugan sa mga tao.
Ayon kay Go, isang hamon sa mga residente ang magkaroon ng access sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan dahil sa layo ng mga pasilidad.
Kaya naman patuloy niyang isinusulong ang pagtatayo ng mas marami pang Super Health Centers sa buong bansa.
Ang Super Health Centers ay nag-aalok ng mga serbisyo, kabilang ang database management, outpatient care, birthing facility, isolation room, diagnostic services (laboratory tests, X-ray, at ultrasound), pharmacy services, at ambulatory surgical units.
Kasama rin sa serbisyo ang pangangalaga sa mata, tainga, ilong, at lalamunan (EENT), mga oncology center, physical therapy, rehabilitation center, at telemedicine.
Sa suporta ng mga kapwa mambabatas, local government units, at Department of Health, naglaan ng pondo para sa mahigit 700 Super Health Centers, kabilang ang pito sa North Cotabato.
Bukod sa Super Health Centers, isa rin sa mga pangunahing programa ni Go ang Malasakit Centers.
Ang Malasakit Centers ay one-stop shop na sumusuporta sa mga mahihirap na pasyente na mabawasan ang gastos sa ospital sa pinakamaliit na posibleng halaga.
Sa ngayon, 166 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa at iniulat ng DOH na nakapagbigay na ito ng tulong sa mahigit 15 milyong Pilipino. Sa North Cotabato, ang Malasakit Center ay matatagpuan sa Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City.
Kasabay nito, namahagi ang senador ng food packs sa 100 barangay health workers na dumalo bilang pasasalamat at suporta sa kanila.