MANILA, Philippines – Sinabi ng pamahalaan na isang unified Identification (ID) system para sa persons with disabilities (PWDs) ang nakatakdang pilot-testing mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon at ilulunsad sa buong bansa sa Hulyo, isang opisyal ng National Council on Disability Affairs (NCDA) sinabi noong Huwebes.
Ang NCDA ay isang attached agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nabatid na ang pagpapalabas ng unified ID system ay isa sa mga mungkahing rekomendasyon para matugunan ang iligal na pag-iisyu, pagbebenta, at paggamit ng mga pekeng PWD ID.
“Nagkaroon po tayo ng round-table discussion…doon po ay nagkaroon ng pagbabalangkas na mag-iissue po ang DSWD ng isang unified ID system. Inaantay lang po namin na ma-finalize ang terms of reference para ma-plantsa po natin ang different phases ng pagre-release ng ID,” ani NCDA Executive Director Glenda Relova sa mga mamamahayag sa regular Thursday media forum sa DSWD central office sa Quezon City.
Dagdag pa ni Relova na ang mga miyembro ng NCDA Governing Board, na pinamumunuan ng DSWD, ay naglabas ng mga rekomendasyon para tugunan ang mga alalahanin hinggil sa pang-aabuso sa paggamit ng statutory discounts at privileges para sa mga PWD bilang mandato ng Republic Act (RA) 10754, na kilala rin bilang An Batas sa Pagpapalawak ng Mga Benepisyo at Pribilehiyo ng mga Taong may Kapansanan.
Ang paglikha ng unified ID system para sa mga taong may kapansanan ay pamamahalaan ng DSWD at ng NCDA, sa pakikipagtulungan ng mga local government units (LGUs), sa pamamagitan ng kani-kanilang Persons with Disability Affairs Offices (PDAO).
Sinabi ni Relova na sa kanilang paunang talakayan, ang proseso ng aplikasyon, beripikasyon, at pag-apruba ay nasa ilalim pa rin ng PDAO. Ang DSWD naman ang magiging central authority na maglalabas ng unified ID. (Santi Celario)